Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-iwan sa BF para kay JC, itinanggi ni Ellen

ni Roldan Castro

ITINANGGI ni Ellen Adarna ang napabalitang kaya niyang iwan ang boyfriend para sa kasamahan niya sa Moon of Desirebna si JC De Vera. Matindi rin kasi ang sex appeal ni JC.

”I never said that. Sabi nga niya sa akin (JC), ‘Sabi mo raw iiwan mo ‘yung boyfriend mo for me.’ Sabi ko ‘Saan mo nakuha iyan? Anong sabi mo?’ Si Raul, my boyfriend, visits on set. Magkakilala sila,” kuwento niya sa isang panayam.

Kahit naman si JC ay hindi naniniwala na seryoso si Ellen  sa isyung ‘yun. Baka nga raw nagbibiro lang.

Pero sa MOD, naghahabol talaga ang role ni Ellen  kay JC at  nag-aalab ang love triangle nila with Meg Imperial.

‘Yun nga lamang!

JILLIAN, MAY TALENT SA PAGKANTA

AWANG-AWA si  Jillian Ward  ’pag tinuturukan si  Mona Louise Ray dahil sa sakit niya sa diabetes. Magkasama kasi sila sa bagong serye ng GMA 7.

“Mayroon pong one time, nagsama po kaming tatlo nina Mona at Tita Manilyn (Reynes) nakita ko po ulit ‘yung tinuturukan siya.

“Naawa po ako. At saka po ‘pag sa taping po, minsan po medyo cut, minsan po parang gusto na niyang mag-rest ng kaunti,” bulalas ni Jillian.

Speaking of Jillian, may talent din siya sa pagkanta. Nagmini-concert siya sa nakaraang birthday ng kaibigang Rommel Placente. Ang taas ng boses niya at bumibirit.

May K siya na maging recording artist, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …