Monday , December 23 2024

Maricar Reyes, sobra pala ang pagka-maldita!

ni Maricris Valdez Nicasio

ISA pang teleserye mula sa ABS-CBN handog ng Dreamscape Entertainment ang tiyak na magpapa-antig ng mga damdamin. Ito ay ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Maricar Reyes, Albert Martinez at marami pang iba. Mapapanood na ito sa Lunes, Hunyo 16.

Napanood namin ang unang limang gabi ng SBPAK at masasabi naming umpisa pa lang ay tiyak na mae-excite ang manonood sa itatakbo ng istorya. Hindi na namin masyadong ie-elaborate kung bakit dahil hahayaan namin kayong mag-enjoy sa panonood nito.

Basta ang masasabi namin, napakahusay ng mga actor na bida rito. Of course, given na ang galing ni Bea na mayroong dalawang karakter. Ang nakagugulat ay ang patuloy na paggaling sa pag-arte ni Paulo. Kung nagustuhan natin siya sa Walang Hanggan, tiyak na mas lalo siyang mamahalin dito sa SBPAK. Sa aming panonood, napakagaling niyang magpa-ibig ng babae. Tila makatotohanan ang pagpapahayag niya ng pagmamahal kay Bea.  Hindi bilang ‘yung karakter na ginagampanan niya kundi bilang si Paulo mismo. Na for sure, kahit sino ang gawan ng ganoon ni Paulo, tiyak na mai-inlove sa kanya.

Mahusay ang kanyang mga mata sa pagpapahayag ng interes kay Bea gayundin ang body language niya. Rito rin masisilayan ang magandang pangangatawan ni Paulo at ito ay naganap habang ipinatitikim niya ang tsokolateng gawa kay Bea.

Sa kabilang banda, mula sa pagiging sweet at mabait ni Maricar, kaiinisan naman siya rito saSBPAK. Para ngang gusto ko siyang sabunutan ‘pag nakita ko dahil sa sobrang pagkamaldita. Effective siyang kontrabida, ang galing, ang husay. First time itong ginawa ni Maricar na aminado siyang mismo siya’y nahirapan sa pagta-transform mula sa mabait na character sa Honesto ay super sama naman siya rito sa SBPAK.

Of course, sobrang galing din ni Eddie Garcia sa pagbibitaw ng kanyang mga nakatutuwang linya at bilang lolo ni Bea gayundin si Susan Roces at iba pang kasama sa teleseryeng ito.

Kaya ‘wag na ‘wag na ‘di kayo tututok sa Lunes, Hunyo 16 dahil isa rin itong seryeng tiyak na susubaybayan ninyo. Congrats sa Dreamscape lalo na sa writer at director dahil sa mahusay na pagkakalahad ng istorya.

Watch na dahil maraming twist, tiyak na mag-iisip ang viewers!!! Panalo!

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *