ni ROLDAN CASTRO
MUKHANG nahihirapan si Dina Bonnevie sa sitwasyon nina Pauleen Luna at Pia Guanio na magkasama sa Eat Bulaga. Ex–girlfriend ni Vic Sotto si Pia at girlfriend naman niya ngayon si Pauleen.Hindi raw madaling task na makisama si Pauleen sa mga anak ni Vic gaya nina Oyo, Danica atbp.. Ganoon din sa mga ex nito. Ito ang pahayag ni Ms. D nang makatsikahan namin siya sa presscon ngSana Bukas Pa Ang Kahapon.
Pero hindi na siguro isyu at kailangang mag-resign ang isa man kina Pia at Pauleen sa Eat Bulaga. May ibang buhay na si Pia at may asawa na.
Kumbaga, matagal nang may ‘move-on’ na nangyari.
Hindi nga umalis si Pia sa Eat Bulaga noong mag-break sila ni Vic, ‘di lalo na ngayon na may asawa na siya.
‘Di ba?