Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo Avelino, matagal nang pangarap makatambal si Bea

ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI itinanggi ni Paulo Avelino na matagal na niyang pangarap na makasama o makatambal sa isang teleserye si Bea Alonzo. At ngayong maisasakatuparan na ang pagsasama nila sa pamamagitan ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, na mapapanood na ngayong Hunyo sa ABS-CBN2, ganoon na lamang ang kasiyahan ng actor.

“And I’m so happy na magkatrabaho kami ngayon sa teleserye, sana movie naman ang kasunod,” saad ni Paulo. Nalaman din naming sobra-sobra  ang paghanga niya kay Bea dahil, ”Si Bea kasi is a very giving actress. Mabilis siyang magbigay ng reaksiyon kaya hindi ka mahihirapan kapag kaeksena mo siya. Napakagaling niyang aktres, napu-push ka rin to really do your best.”

Gagampanan ni Paulo sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon ang papel ni Patrick, isang chocolate maker. Bale siya ang leading man ni Bea na gaganap bilang si Emmanuel at Rose.

Ukol naman sa kanyang lovelife, iginiit ng actor na trabaho muna ang pagtutuunan niya ng pansin. ”Work muna!” anito dahil tiyak daw na magiging abala siya sa taping ngSBPAK lalo’t pawang mahuhusay na aktor ang kasama niya rito bukod kay Bea.

Makakasama ni Paulo bukod kaya Bea sina Albert Martinez, Dina Bonnevie, Maricar Reyes, Tonton Gutierrez gayundin ang mga beteranong actor na sina Eddie Garcia, Anita Linda, at Ms. Susan Roces.

Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay mula pa rin sa Dreamscape Entertainment ng ABSCBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …