Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglangoy, diving dapat ituro sa mga bata

Napapanahon na nga bang turuan ang mga kabataan sa paglangoy lalo na’t patuloy ang paglala ng panahon na ma-dalas ang pagbaha? Sa totoo lang, dapat noon pa. Ang Pilipinas ay isang bansang napapaligiran ng karagatan at ang mga lawa at ilog ay nagkalat din sa loob ng arkipelago. Kung mayroon man siguro tayong sport na dapat i-develop, ito ang swimming o diving. Alam ba ninyo, mga kanayon, na batay sa datos na ipinaalam sa amin noon ni Tourism Secretary Ramon Jimenez, sadyang kakaunting kabataang Pinoy o kahit na matatanda ang marunong lumangoy? Baka nga mas marami pa ang marunong mag-basketball o kaya ay mag-computer games. Tsk tsk. Ayon sa Kalihim noong huling nagpulong ang Philippine Commission on Sports Scuba Di-ving (PCSSD) sa pamumuno ni Karen Chan, panahon na para gawing isang FAD o “uso” sa mga Pinoy ang swimming at diving. Alam ba ninyong may halos 500 dive sites sa Pinas na hindi pa nade-develop? Kung sakaling ma-develop ang mga ito, maaaring pagkakitaan nang malaki ng tourism industry?

Sa ganang akin naman, nararapat lamang na maging aware ang mga kabataan sa kabutihang dulot ng kaalaman sa paglangoy. Hindi lamang kapag may excursion o outing kundi panghabambuhay na kaalamang maaring magligtas ng sarili mong buhay o buhay ng kapamilya. Maraming pagkakataong nakikita natin malala ang pagbaha. Mantakin na lamang ninyo kung walang marunong lumangoy sa pamilya ninyo. Paano na?

Kaya noong una kong narinig na may nagpanukala nito, agad po tayong natuwa. Bukod kasi sa iba pang kabutihang dulot ng kaalaman sa paglangoy o pagsisid, nagpapaganda rin ito ng kalusugan.

Siyempre, kapag nag-dive ang isang tao, doon lang makikita ang kagandahan ng mundo sa ilalim ng tubig. Sadyang mas mapayapa, tahimik at talagang napakaganda ng karagatan at ito ang isang malaking pasalamat ko nang ako’y maitalaga bilang isa sa Commissioners ng PCSSD sa imbistasyon ng aking kaibigan at bete-ranong DIVE MASTER na si Benedict Reyes.

Isa sa pinakamahalagang ambag ng PCSSD sa dive industry ay ang pagkakaroon ng mga HYPERBARIC CHAMBER sa iba’t ibang rehiyon. Ito ang ginagamit ng divers, lokal man o banyaga laban sa decompression sickness na nakamamatay.

Marami ang nagtatanong, kung mahal daw ba ang diving. Sa ngayon medyo ngunit kapag naging “uso” na ito, sa tingin ko gaya ng mga nagmamahalang bisikleta noong araw o kahit mga computer gadgets, bababa rin ang gastos sa diving hanggang ito’y maging pang-masa na rin.

Ikaw, marunong ka bang lumangoy?

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joel M. Sy Egco

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …