Dear Senor,
Nanaginip po ako tungkol sa mga kaibigan kung 4th year classm8 na lage kming magkakasama at ndi naghi2walay tapos po marami kaming kasamang lalaki peru poh mei ginagawa daw kaming kababalaghan na parang ewan ndii ku maintindihan , magulo ung isip namen.jecks poh to dont publish mei # ok poh.
To Jecks,
Ang panaginip mo ay maaaring simbolo ng mga dating mga aral na natutunan sa buhay na magagamit mo ngayon. Ipinakikita rin dito na may mga bagay na kailangan mong kilalanin at pasalamatan dahil sa nagawa nitong positibong bagay na may kinalaman sa iyong personal na buhay. Nagsaaad din ang bungang tulog mo ng ukol sa bonds at friendships na ginawa mo noong nag-aaral ka pa. Posibleng nagpapaha-yag din ito na kailangan ka nang magsimulang maghanda para sa real world o sa totoong mundo. Ito ay maaaring nagsasabi rin ng hinggil sa pagdududa at pag-aalinlangan sa mga natamong accomplishments and the goals na natapos mo na. Maaaring pakiwari mo ay hindi mo naaabot ang expectation sa iyo ng iba. Ito ay maaaring bunsod ng ilang pangyayari o ng mga kasalukuyang sitwasyong nagaganap sa iyong buhay. Maaaring senyales din ito na kailangang makipag-ugnayan o makibalita sa ilang mga dating kaklase upang makakuha ng insight sa ilang kasalukuyang pakikipagrelasyon at sitwasyon o ng mga bagay na may kinalaman sa negosyo o pagkakaperahan. Dapat ding pagsikapan na kumbinsihin o maipakita sa iba ang iyong punto de bista o pananaw sa buhay.
Ang sinasabi mo namang gumagawa kayo ng kababalaghan ay maaaring mga bagay na wala sa lugar o hindi pangkaraniwan. Dapat na maging alisto, maaaring ang mga bagay na nakikita mo ay hindi talaga ganoon sa reyalidad. Dapat ding mag-ingat sa mga bagay na iyong ginagawa.
Señor H.