Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ABS-CBN, tanging kompanya mula ‘Pinas na nanalo ng Grand Stevie Award

ni Maricris Valdez Nicasio

WAGI ang ABS-CBN ng Grand Stevie Award sa prestihiyosong Asia-Pacific Stevie Awards bilang tanging kompanya mula sa Pilipinas na nakuha ng pinakamataas na parangal sa rehiyon na iginawad sa gala awards banquet nito kamakailan sa Seoul, South Korea.

Isang malaking karangalan ang Grand Stevie hindi lamang para sa ABS-CBN, kundi pati na rin sa buong bansa lalo pa’t ang Kapamilya Network ay isa sa limang natatanging kompanya sa Asia-Pacific region na nanalo nito. Ipinagkakaloob ito sa mga kompanyang may pinakamataas na nakuhang puntos mula sa limang bansang nagpadala ng pinakamaraming entries ngayong taon. Ang iba pang Grand Stevie Award winners ay nagmula sa Australia, Indonesia, South Korea, at Singapore.

Pinarangalan ang ABS-CBN para sa patuloy nitong paglilingkod sa mga Filipino sa loob at labas ng bansa, lalo na nang tumugon ito sa mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Yolanda. Inilunsad ng ABS-CBN ang Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na campaign na naglikom ng pondo sa pamamagitan ng Tulong shirts at ang star-studded na Tulong fund-raising concerts. Nagsagawa rin ang Kapamilya Network ng relief at rehabilitation para sa mga nasalanta ng bagyong Pablo, krisis sa Zamboanga, at lindol sa Bohol.

“Pinaglilingkuran ng ABS-CBN ang mga Filipino sa nakalipas na 60 taon sa pamamagitan ng paghahatid sa kanila ng mga balita at mga programang nagbibigay sa kanila ng inspirasyon at kapangyarihan sa iba’t ibang platforms. Ito ang tangi naming tungkulin—ang paglingkuran ang lahat ng Filipino saan man sila sa mundo,” ani ABS-CBN president at CEO Charo Santos-Concio, na ibinahagi rin ang tagumpay sa lahat ng mga empleado ng ABS-CBN na walang sawang naghahatid ng serbisyo publiko.

Sa nasabing parangal, personal na tinanggap ni Santos-Concio ang Gold Stevie Awards ng ABS-CBN para sa Services Company of the Year category para sa Pilipinas at sa Woman of the Year category naman para sa lahat ng bansa sa Asia-Pacific region (maliban sa Australia at South Korea).

“Ikinagagalak kong maging kinatawan ng lahat ng masisigasig na kababaihan sa Pilipinas at maging isa sa pinarangalang women leaders at awardees ng Asia-Pacific Stevie Awards. Araw-araw akong nagpapasalamat sa pagkakataong pamunuan ang ABS-CBN at paglingkuran ang mga Filipino,” giit pa ni Concio.

Kinilala naman si Santos-Concio sa kanyang pamumuno sa ABS-CBN, dahilan ng patuloy nitong pamamayagpag sa TV ratings at ang pagpalo sa takilya ng mga pelikula ng Star Cinema, pagtaas ng kita ng kompanya, at pagsabak nito sa ibang negosyo gaya ng ABS-CBN mobile, ang theme park na Kidzania Manila, at TV home shopping channel na O Shopping, at ang patuloy nitong pagbibigay ng serbisyo-publiko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …