Pawang mahihilig ang magkakaibigang sina Aida, Lorna at Fe. Minsan ay nakapulot sila ng isang bote.
Nang kiskisin nila ang bote ay may lumabas na genie.
Sabi ng genie, “Dahil pinalaya ninyo ako, bibigyan ko kayo ng tatlong kahilingan, ngunit hindi pwedeng humingi nang direkta…”
Humiling si Aida, “Gusto kong ibigay mo sa akin ang gumagapang kay mareng Lorna! Madalas kasi niyang ipagmalaki sa akin ‘yun!”
Pumitik ang genie, at presto, may isang lalaki…
“Ahhh! Natupad nga!” bulalas ni Aida. “Kaya lang, kamukha ng mister ko!”
Humiling si Lorna, “Gusto ko, balbon talaga. Gusto kong ibigay mo sa akin ‘yung gumagapang sa gorilya!”
Pumitik ang genie, at presto, may isang lalaking balbon…
“Ahhh! Ang galing!” palatak ni Lorna. “Totoo nga!”
Humiling si Fe, “Basta ako, kahit sino pa ‘yan, basta ang gusto ko, malaki at mahaba! Sige, gusto ko, ‘yung gumagapang sa kabayo!”
Pumitik ang genie, at umaray si Fe…
“Araaayyy!!! Ang sakit!” tili ni Fe. “Bakit ganito ang ibinigay mo sa akin?”
Tugon ng genie, “Sabi mo, ‘yung gumagapang sa kabayo… ayaaaan! Plantsa! Tibay Standard ‘yan! Mainit-init pa!”