IBINUROL ang bangkay ng 80-anyos lola nang nakaupo sa kanyang paboritong rocking chair habang suot ang kanyang wedding dress sa Puerto Rico.
Si Georgina Chervony Lloren, namatay bunsod ng “natural causes,” ay naka-display sa red-cushioned rocking chair sa kanyang burol sa San Juan.
Suot niya ang kanyang wedding gown sa kanyang pangalawang pagkakasal, 32 taon na ang nakararaan, at napaliligiran ng mga halaman at bulaklak.
Inihayag ng kanyang anak na si Miriam Chervony, sinabi ng kanyang lola na ganito niya nais na iburol.
Ang burol ay ginanap sa Marin Funeral Home, kilala sa kakaibang pagbuburol sa mga patay.
Nitong nakaraan, ang napatay na boksingero ay ibinurol nang nakatayo sa makeshift boxing ring. Habang ang isa naman ay ibinurol nang nakasakay sa kanyang motorsiklo.
(ORANGE QUIRKY NEWS)