Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco at Sarah, waging-wagi

 

ni Maricris Valdez Nicasio

HUMAKOT ng libo-libong mga manonood ang Maybe This Time ng Star Cinema atViva Films sa opening day nito noong Miyerkoles at kumita ng P20-M sa takilya. Sinolidify ng tagumpay nito sa takilya ang bankability ng unang tambalan ng ABS-CBNPrimetime King na si Coco Martin at ng Box-Office Queen na si Sarah Geronimo sa pinilakang tabing.

Idinirehe ni Jerry Lopez Sineneng ang Maybe This Time na isinulat nina Anton Santamaria at Melai Monge. Ang Maybe This Time ay isang love story tungkol sa dalawang tao na matututuhan ang kahalagahan ng pagiging totoo sa kanilang mga sarili upang magwagi at manaig ang pag-ibig sa kanilang mga buhay.

Tampok din sa Maybe This Time sina Ruffa Guttierez, Ogie Diaz, Dennis Padilla, Marlann Flores, Zeppi Borromeo, Garlic Garcia, Minnie Aguilar, Boboy Garovillo, at Sharmaine Buencamino.

Lasapin ang tamis ng Valentines ngayong summer at mainlab kasama sina Coco at Sarah sa Maybe This Time. Bahagi ang Maybe This Time ng ika-20 anibersaryo ng Star Cinema at palabas ito sa 180 na mga sinehan sa buong bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …