Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea at Paulo, magtatambal sa Sana Bukas Pa ang Kahapon (Pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN mapapanood na ngayong Hunyo…)

ni M. Nicasio

MAGTATAMBAL sa kauna-unahang pagkakataon ang Movie Queen ng bagong henerasyon na si Bea Alonzo at ang isa sa pinaka-in-demand na leading men sa bansa na si Paulo Avelino sa upcoming ABS-CBN primetime drama series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Ayon kay Bea bukod sa team-up nila ni Paulo, excited siyang gampanan ang dalawang bidang karakter na tampok sa teleseryeng magsisimula nang umere ngayong Hunyo.

“First time kong gumawa ng ganitong role. Sa ngayon, masasabi ko na ito siguro ‘yung pinaka-challenging na project sa career ko,” pahayag ni Bea na magbibigay-buhay sa katauhan ng mahusay na abogadang si Emmanuelle, at sa tagapagmana ng isang chocolate company na si Rose.

Samantala, ipinagpapasalamat naman ni Paulo ang pagkakataon na makapareha si Bea at makasama sa serye ang award-winning actors na tulad nina Albert Martinez, Eddie Garcia, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Anita Linda, Maricar Reyes, at Susan Roces.

“Bukod sa pressure, mas nangingibabaw sa akin ‘yung karangalan na makatrabaho ko sila dahil ang dami-dami ko pong natututuhan sa kanila,” ani Paulo na gaganap naman sa serye bilang si Patrick, ang lalaking magpapaibig sa isa sa mga karakter ni Bea na si Rose.

Ididirehe ito nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay iikot sa kuwento nina Rose at Emmanuelle, ang mga babaeng pagtatagpuin ng tadhana at pag-iisahin ng kanilang hangarin na hanapin ang katotohanan at katarungan.

Kukompleto sa powerhouse cast ng pinakabagong primetime drama series ng ABS-CBN sina Nikki Valdez, Bembol Rocco, Francis Magundayao, Michelle Vito, at Miguel Vergara.

Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay ang pinakabagong obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng phenomenal drama series na Walang Hanggan, hit family teleserye na Ina Kapatid Anak, at ng kasalukuyang top-rating Primetime Bida series na Ikaw Lamang.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng kuwento ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ngayong Hunyo na sa ABS-CBN Primetime Bida.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/SBPAK.TV, Twitter.com/SBPAK_TV, at Instagram.com/DreamscapepH.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …