Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maybe This Time, naka-P20-M agad sa unang araw (Ruffa, bagets na bagets ang feeling sa Maybe This Time)

ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Ruffa Gutierrez na bumata siya dahil sa Maybe This Time” na gumaganap siya bilang ka-love triangle nina Coco Martin at Sarah Geronimo.

“Kaeksena ko sina Coco at Sarah. Nakaka-bagets, ‘di ba? Hindi naman ako nanay ni Coco, hindi naman ako tita ni Sarah. Nakaka-teenager lang ang peg,”ani Ruffa sa isqng interbyu sa kanya.

Hindi rin itinago ni Ruffa ang lubos niyang paghanga sa talento ni Coco sa pag-arte kaya naman nag-click ang tandem nila kahit pa mas higit ang edad niya sa aktor.

“Napakasuwerte ko dahil napakahusay na artista ni Coco kasi nagkaroon kami ng rapport agad at makikita agad ‘yun sa big screen,” sabi pa ni Ruffa na siyang totoo dahil guwapong-guwapo si Coco sa Maybe This Time kaya hindi alangan sa kagandahan ng aktres.

Samantala, binabati namin ang Star Cinema at Viva Films dahil bukod sa nadagdagan pa ang bilang ng mga sinehang nagpapalabas nito, tumabo agad ang pelikula sa unang araw na pagpapalabas sa mga sinehan.

Balita nami’y umabot sa P20-M ang kinita ng Maybe This Time sa first day showing pa lamang nito. Kina Coco, Sarah, at Ruffa gayundin sa bumubuo ng Maybe This Time, congratulations!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …