Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dyesebel, reyna pa rin ng Primetime TV (Summer treat nina Anne, Gerald, Andi at Sam, dinumog libo-libong fans)

ni Maricris Valdez Nicasio

NANGUNA pa rin sa listahan ng most-watched TV programs sa buong bansa ang hit fantaserye ng ABS-CBN na Dyesebel. Kaya namam patunay na nagre-reyna sa time slot nito ang programang pinagbibidahan ni Anne Curtis sa kabila ng pagkakaroon nito ng bagong katapat.

Patunay dito ang datos na mula sa Kantar Media noong Lunes (Mayo 26) kung kailan nagkamit ito ng national TV rating na 32.6%, o mahigit 15 puntos na kalamangan kompara sa pilot episode ng Niño ng GMA (17.1%).

Samantala, bukod sa ratings, panalo rin ang Dyesebel sa ginanap nitong grand fans’ day kamakailan na dinaluhan nina Anne, Gerald Anderson, Andi Eigenmann, at Sam Milby.

Libo-libong fans ang dumagsa sa Dyesebel Summer Sa Trinoma at napasaya ng inihandang production numbers nina Anne, Gerald, Andi, at Sam, kasama ang co-stars nilang sina Neil Coleta at Young JV, at maging ang mga kaibigan ni Dyesebel (Anne) na sina Pinky Pusit at Karlo Kabayo. Ikinatuwa rin ng mga nakisaya sa grand fans’ day ang official soundtrack ng Dyesebelvkaya naman mabilis itong na-sold-out noong Linggo.

Patuloy na tutukan ang mga kapana-panabik na tagpo sa Dyesebel gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrolbsa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Dyesebel bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/Dyesebel.TV atTwitter.com/Dyesebel_TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …