Sexy Leslie,
Masarap po bang makipag-sex sa ibang babae maliban sa aking asawa?
0920-4861656
Sa iyo 0920-4861656,
Ang makipag-sex kahit kanino ay talagang nakaka-enjoy, pero iba pa rin kung mahal mo. Kaya kung mahal mo ang iyong misis, siguro naman sapat na ‘yan para maging loyal ka sa kanya.
Sexy Leslie,
Ano po ang gagawin ko, mahal na mahal ko ang BF ko pero parang binabalewala niya lang ako. Babes
Sa iyo Babes,
Baka naman nagkakamali ka lang. May mga lalaki kasing hindi talaga halata kung magmahal. ‘Yun bang kailangan mo pang manghula, para malaman ang kanilang saloobin o nararamdaman. Pero kung sa tingin mo ay balewala ka talaga sa BF mo, aba’y magdesisyon na. Mahirap ang relasyong one sided lang.
Sexy Leslie,
I like your column talaga, sana makita kita nang personal. 0920-4737150
Sa iyo 0920-4737150,
Maraming salamat sa iyo. Hayaan mo at pag-iisipan ko ‘yan.
Sexy Leslie,
Makapag-aasawa pa kaya ako, matanda na po kasi ako. 0918-2725878
Sa iyo 0918-2725878,
‘Wag kang mawalan ng pag-asa, may mga lolo at lola nga na nakahahanap pa ng partner sa kabila ng kanilang edad, ikaw pa kaya? Stay happy!