Aries (April 18-May 13) Iwasan muna ang close interactions sa mga kaibigan dahil posibleng magdulot ito ng hindi pagkakasundo.
Taurus (May 13-June 21) Huwag mawawalan ng pag-asa kung hindi magtagumpay sa unang pagtatangka.
Gemini (June 21-July 20) Kung ayaw tumanggap ng tulong ng isang problemadong kaibigan, hayaan siya.
Cancer (July 20-Aug. 10) Posibleng salubungin ng problema sa computer o Internet connection.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Gamitin ang karanasan sa pagtukoy sa posibleng mga problema.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kung walang posibleng makatutulong sa paglutas ng problema, sikaping resolbahin ito nang mag-isa.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ituring ang mga pagkakamali bilang leksyon sa buhay.
Scorpio (Nov. 23-29) Posibleng magdamdam ang kaanak sa iyong mga pangaral.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) May darating na magandang balita tungkol sa trabaho.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Huwag magmamadali sa pagdedesisyon dahil baka pagsisihan mo ito.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang unang bahagi ng araw ngayon ay hindi magiging madali para sa iyo.
Pisces (March 11-April 18) Kung mayroon kang itatanong, ilabas mo ito upang malaman ang kasagutan.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ang tradisyonal na pamamaraan ng pagresolba ng problema ay posibleng hindi umubra ngayon.
Lady Dee