Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pilot ng The Voice Kids, monster hit sa ratings!

Maricris Valdez Nicasio

BAGO pa man ipalabas ang The Voice Kids ng ABS-CBN noong Sabado, Mayo 24, alam naming maghi-hit agad ito at marami ang tiyak na tututok. Paano naman, teaser pa lang nito’y marami na ang nasabik sa mga batang nagpatikim ng kanilang galing sa pagkanta.

Kaya tinutukan talaga ng buong bansa ang unang batch ng young artists na nagpakitang gilas at nagpabilib sa coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga sa Blind Auditions ng programa.

Sa datos ng Kantar Media, ang The Voice Kids ang pinakapinanood na programa sa bansa noong weekend. Noong Sabado (Mayo 24), pumalo ito sa national TV rating na 33.3%, o 21 puntos na mas mataas kompara sa Vampire Ang Daddy Ko ng GMA na nakakuha lamang ng 11.9%.

Namayagpag din ito noong Linggo (Mayo 25) sa rating na 35.8% at pinataob ang kalabang programang Kapuso Mo, Jessica Soho (15.8%).

Bukod diyan pinag-usapan din online ang premiere telecast ng programa dahil nanguna sa listahan ng worldwide trending topics ito sa Twitter sa parehong Sabado at Linggo sa hashtag na #TheVoiceKidsPhilippines.

Nag-trend din nationwide at worldwide ang iba’t ibang artists at awiting napakinggan sa programa.

Siyam na young artists na ang nakapagpaikot sa chairs ng coaches, at tiyak na mas titindi pa ang tensiyon sa kanila. Mayroon nang dalawang young artists na pasok sa Team Sarah, apat sa Team Bamboo, at tatlo naman sa Team Lea.

Kaya muling abangan ngayong Sabado at Linggo kung sino-sino pa ang papasa sa panlasa at pandinig ng tatlong coaches. Huwag ding bibitiw sa pagpili para sa kauna-unahang The Voice Kids na maraming papremyo ang naghihintay kasama na riyan ang house and lot mula sa Camella Homes ng Vista Land na ang chairman ay si Mr. Manny Villar. Bongga ‘di ba, sa bahay at lupa pa lang, panalo na agad!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …