Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maybe This Time, Graded B sa CEB; ipalalabas pa sa 157 cinemas nationwide!

Maricris Valdez Nicasio

VERY proud si Direk Jerry Sineneng sa kinalabasan ng pelikulang Maybe This Time nina Coco Martin at Sarah Geronimo. Bukod kasi sa walang naging sagabal habang ginagawa nila ang pelikulang mapapanood na ngayong araw mula sa Star Cinema at Viva Films, naipalabas niya ang konseptong nais niyang ihatid sa mga manonood.

First time makatrabaho ni Direk si Sarah samantalang si Coco ay naging magkatrabaho na sila sa Walang Hanggan ng ABS-CBN. Kaya kumbaga, sanay na sa kanya si Coco.

Ani Direk Jerry, magaan katrabaho kapwa sina Coco at Sarah. Puring-puri niya kapwa ang galing ng dalawa at very smooth ang naging takbo ng kanilang shooting.

Sa kabilang banda, nais naming batiin ang bumubuo ng Maybe This Time dahil Graded B ito ng Cinema Evaluationa Board.

Napag-alaman din naming ipalalabas ngayong araw ang Maybe This Time sa may 157 cinemas nationwide. Ang taray ‘di ba?! Usually 100 cinemas lang ang madalas na nagpapalabas ng isang magandang pelikula. Pero sa movie na ito, mahigit pa sa 100. Kaya go na tayo mga Kapamilya at manood ng Maybe This Time.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …