Friday , November 22 2024

Ahas at kalapati sa panaginip

Gud day po,

Nanaginip ako ng ahas na may ksamang kalapti, nagtaka ako bakit ganun ung dream ko, pero dati ay may alaga ako kalapati pero takot ako sa ahas, kaya hindi ako mag aalag ng ganun.. pls wait ko sagot mo senor slamat, jayar dnt post my cp.

To Jayar,

Kapag nanaginip ka ng ahas, ito ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epek-to. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala kaya hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge, at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes.

Ang panaginip hinggil sa kalapati ay sumisimbolo sa peace, tranquility, harmony, affection, at innocence. Partikular, kapag nakakita ng puting kalapati sa iyong panaginip, ito ay nagre-represent sa loyalty, love, simplicity, gentleness, at friendships. Ito ay maaari rin namang may kaugnayan sa mensahe at blessing mula sa Holy Spirit. Bunsod marahil ng pag-alis sa iyong puso at isipan ng hinggil sa hate at revenge. Kung ang bungang-tulog mo naman ay nagpapakita ng mating-doves at gumagawa ng pugad, ito ay sagisag ng joyous home life na punompuno ng love, tranquility, pleasure, at security. Posible rin namang nami-miss mo na ang pag-aalaga ng kalapati, kaya naging ganito ang tema ng panaginip mo. Maaari rin naman na sumagi lang sa isip mo o naalala mo ang dating mga alagang kalapati, kaya nag-manifest ito sa iyong panaginip.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *