Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mirabella, patok sa televiewers!

Maricris Valdez Nicasio

NABIGHANI na ang buong bayan sa kakaibang ganda ng top-rating at Twitter-trending fantaserye ng ABS-CBN na Mirabella. Pinatunayan ito ng all-time high national TV rating na 22.6% na nakamit ng programa noong Huwebes (Mayo 22), na itinampok sa kuwento ang sagutan sa eskuwelahan nina Mira (Julia Barretto) at Iris (Mika dela Cruz).

Ayon nga sa datos ng Kantar Media, halos siyam na puntos ang lamang ng naturang episode ng Mirabella kompara sa nakuha ng katapat na programa ng GMA na My Love From The Star (13.9%).

Samantala, tiyak na lalong kapananabikan ng mga manonood ang pagpapatuloy ng kuwento ng Mirabella ngayong nagsisimula nang guluhin ni Mira ang pamilya ng kanyang amang si Alfred (James Blanco) sa pamamagitan ng katauhan ni Bella. Hanggang kailan maitatago ni Mira sa lahat na siya rin ang misteryosang dalaga na si Bella? Mapagtatagumpayan ba niya ang plano na maghiganti laban kina Alfred, Olive (Mylene Dizon), Iris, at Terrence (Sam Concepcion)?

Huwag palampasin ang fantaseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, Mirabella gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Mirabella bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/MirabellaOnline at Twitter.com/MirabellaOnline.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …