Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eric, suportado ang pagkakaroon ng bagong BF ni Zsa Zsa

ni Roldan Castro

NAGBABALIK-Kapamilya ang actor-director na si Eric Quizon dahil  nag-first taping na angIpaglaban Mo ng ABS-CBN 2. Siya ang magdidirehe nito na tampok sina Ella Cruz, Cris Villanuena, John Manalo, Eric Fructuoso, Matet De Leon atbp..

Of course, tinanong din si Direk Eric kung ano ang reaksiyon niya sa pagkakaroon ng bagong boyfriend si Zsa Zsa Padilla sa katauhan ni Architect Conrad Onglao.

Hindi naman daw sila against kung napalitan na ni Zsa Zsa si Mang Dolphy. Magkaibigan naman daw sila ni Zsa Zsa at hindi matatapos ang friendship nila kahit pumanaw na ang kanilang ama.

“Kung saan siya masaya, she has the support of the whole family. Walang ano roon, walang ano, kumbaga, samaan ng loob,” sambit pa niya sa taping na ginanap sa Zabarte, Brgy. Kaligayahan, Novaliches.

Naramdaman naman daw nila ang ibinigay na pagmamahal at serbisyo ni Zsa Zsa noong buhay pa si Mang Dolphy at nararapat lang na mag-move-on na siya ngayon at maging maligaya.

Anyway, ang hosts ng Ipaglaban Mo ay sina Atty. Jose Sison at anak niyang si Jopet.

Nakikiisa si Direk Eric sa layunin ng show na maikuwento ng tama, walang labis, walang kulang sa mga istorya na ilalahad ng Ipaglaban Mo. Magsisimula na ito sa Hunyo.

‘Di ba Darwin Gutierrez?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …