Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinakaseksing babae sa mundo

NAUNGUSAN ni Jennifer Lawrence si Mila Kunis para tanghalin bilang pinakaseksing babae sa mundo.

Sinungkit ng Hollywood actress ang top spot sa poll ng British magazine na FHM para sa Sexiest Women in the World ngayong 2014. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makuha ang titulo ng isang Academy Award-winning actress. Bumagsak naman sa ikaanim na baytang si Kunis, na nagwagi ng nasabing titulo nitong nakaraang taon.

“Congratulations to Jennifer,” pagbati ni FHM Sexiest editor Dan Jude. “Run away siya sa titulo ngayong taon at hindi naman nakagugulat na mapanalunan niya ito.”

Nakopo ng Hunger Games star ang pinakamaraming boto hindi lamang dahil sa kanyang ‘drop-dead’ na kaganda-han kundi dahil na rin sa kanyang girl-next-door charm. Ang tubong Kentucky na aktres ay tinuturing na isa sa pinakamalaking pa-ngalan sa Hollywood, at nag-starring role sa mga pelikulang tulad ng American Hustle, ang The Hunger Games franchise at Silver Linings Playbook.

“Hindi lamang siya ang pinaka-in-demand na aktres, halos lahat ng mga lalaki sa iba’t ibang panig ng mundo ay na-in love sa kanya,” dagdag ni Jude.

Ilan pang napasama sa Top 10 ay sina Rihanna sa ikatlong spot, model Emily Ratajkowski sa ikaapat, Beyoncé Knowles sa ikapito, Nicole Scherzinger sa ika-siyam, at Avengers star Scarlett Johansson sa ika-sampu.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …