Aries (April 18-May 13) Huwag nang asamin pa ang bagay na wala, mas magiging matindi pa ang sitwasyon kundi ka nagsumikap.
Taurus (May 13-June 21) Maging alerto, isang tao ang posibleng maghamon ng away ngayon.
Gemini (June 21-July 20) Ang trabaho ngayon ay magdudulot ng physical at mental stress. Kung inaasahan mong magiging mada-li ito, ay madedesmaya ka.
Cancer (July 20-Aug. 10) Ikaw ay protektado sa stress, ngunit hindi ibig sabihin na hindi mo kailangang kumilos.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Magiging abala ka ngayon sa mga gawaing bahay, negosyo ng pamilya o pagsasaayos ng mahalagang bagay.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kung ang sitwasyon ay walang direktang kinalaman sa iyo, huwag nang makialam. Harapin ang sariling problema.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Mag-ingat sa pagbili ng mga kagamitan o gamot dahil posibleng makabili ng depektibo.
Scorpio (Nov. 23-29) Hindi ka madaling magpatawad lalo na kung ito ay dahil sa pagseselos.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Kung may gusto kang bagay, magsumikap ka para matamo ito.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Taglay mo ang physical at mental energy. Gayunman, posibleng dumanas ng mental stress.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Kung ang layunin ay mahalaga sa iyo, magsusumikap ka para matamo ito.
Pisces (March 11-April 18) Posibleng may maganap na conflicts sa trabaho ngayon.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Isasantabi ang planong pagbiyahe dahil magdudulot ito ng problema katulad ng karagdagang gastos.
Lady Dee