Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maybe This Time nina Coco at Sarah, kabi-kabila ang block screening!

 ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWA ang grabeng suporta ng fans nina Coco Martin at Sarah Geronimo. Balita kasi nami’y mayroon silang block screening ng pelikulang Maybe This Time ng Star Cinema at Viva Films na mapapanood na sa mga sinehan sa Mayo 28.

Marami na kasi ang excited na mapanood ang dalawa na maraming bago ang makikita sa pag-arte ni Sarah at sa hitsura naman ni Coco sa pelikulang ito. Ibang Sarah at ibang Coco nga raw ang mapapanood. Kung ano ang tinutukoy namin ay go na lang tayo sa mga sinehan.

Anyway, nagsama-sama nga ang 11 grupo na fans ni Coco para sa tatlong block screening sa Mayo 31 (Sabado) sa Podium Cinema at Galleria Cinema. At balita namin, may mga naka-sched pang block screening na habang isinusulat ito’y inaayos pa ng iba’t ibang kampo.

Bukod sa block screening, may mall tour pa ang dalawang bida ng Maybe This Time. Sa Sabado, nasa SM Fairview, SM Lazaro, at Lucky China Town sila at sa Linggo nama’y nasa Glorietta Mall sila at Ayala Alabang.

Punumpuno nga ang sched ng dalawa na habang pinakikinggan nami’y kami na mismo ang hindi makahinga sa rami at sunod-sunod na sched. Paano’y may promo rin sila sa iba’t ibang show ng ABS-CBN. Tulad sa Linggo, na may personal appearance si Sarah para sa Aling Puring Convention, pagkaraan ay may production number sila ni Coco sa ASAP, tapos ay sigue sila sa isang fashion show sa 25th anniversary ng Star Magic, at pagkatapos nito’y sa The Buzz naman. After The Buzz tuloy sila sa dalawang mall show.

Ang Maybe This Time ay parte pa rin ng ika-20 anibersaryo ng Star Cinema nito ngayong summer. Bale ang pelikulang ito ang pinaka-malaking romantic film ng season.

Idinerehe ito ni Jerry Lopez Sineneng at isinulat nina Anton Santamaria at Melai Monge. Ang Maybe This Time ay isang love story na nakasentro kina Steph Asuncion (Sarah) at Tonio Bugayong (Coco). Magkaibang-magkaiba sina Steph at Tonio ngunit pareho nilang iniibig ang isa’t isa. Dala ng mga pangyayari na hindi nila kontrolado, napilitan ang dalawa na maghiwalay at magkanya-kanya. Subalit, magkikita sila matapos ang maraming taon upang tapusin ang mga bagay na kanilang iniwan hinggil sa kanilang nakaraang relasyon. Ito na ang mga tagpong kapana-panabik na may mga magagandang batuhan ng linya tulad ng nag-trending na “There was never an us” na feel na feel na sinabi ni Sarah kay Coco. Biro nga ng iba parang real life ang pagbato ng linyang iyon ni Sarah. Kanino naman kaya?

Kaya sa Mayo 28, lasapin ang pag-ibig at romansa sa mga sinehan at mainlab ngayong buwan ng Mayo na siyang magiging bagong buwan ng mga puso sa piling nina Coco at Sarah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …