Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, pinakanag-ningning sa Pep List 2013

ni Maricris Valdez Nicasio

STAR studded at matagumpay ang katatapos na Pep List 2013 awards night ng Philippine Entertainment Portal na isinagawa sa Solaire Resort and Casino noong Martes. Ito rin ang awards night na nagsama-sama ang mga artistang mula sa Kapamilya, Kapuso, at Kapatid Network. Kumbaga, naisantabi muna ang network war.

Sina Ai-Ai delas Alas at Lucy Torres-Gomez ang nagsilbing host ng gabing iyon samantalang livestream hosts naman sina Giselle Sanchez at Candy Pangilinan.

Sa 52 awards na ipinamigay ng PEP, pinakanag-ningning ng gabing iyon si Kim Chiu dahil siya ang may pinakamaraming award na nakuha tulad ng Newsmaker of the Year (Female), Celebrity Pair of the Year (with Xian Lim), at TV Star of the Year.

Kahanga-hanga naman ang pagkapili nila kina Joey de Leon at Nora Aunor bilang Showbiz Treasure (Male and Female) dahil tunay na kayamanan ang dalawa ng industriya ng showbiz. Bongga nga ang speech ni Joey nang tanggapin ang tropeo dahil nakaisip agad ito ng pagpapatawa patungkol sa bagong ineendoso ngayon ni Ai Ai na ‘pussykip’ o Femilift.

Kumbaga, siya ang nagpa-light ng awards night na ‘yon dahil biling-bili ang pagpapatawa niya. Hindi naman nakarating si Ate Guy para personal na tanggapin ang tropeo.

Magkakasabay na dumating ang Dabarkads sa pangunguna ni Ms. Malou Choa-Fagar, ang ladyboss ng Eat Bulaga na itinanghal na TV show of the Year (Daytime) kasama si Ryzza Mae Dizon na may award din bilang Child Star (Female). Kasama rin ng grupo sina Allan K., Paolo Ballesteros, at Ruby Rodriguez, at si Joey.

Dumating din si James Yap na siyang Newsmaker of the Year (Male); Tom Rodriguez (Breakout Star of the Year) at Dennis Trillo (Celebrity Pair of the Year kasama si Tom), Xian Lim (Fab Star Male); Lovi Poe (Fab Star Female).

Hindi naman dumating kapwa sina Claudine Barretto at Raymart Santiago para tanggapin ang award na Newsmaker of the Year (Male and Female) sa The Punongbayan and Araullo-Audited Category Winners.

Sa bumubuo ng Pep List ng PEP na pinamumunuan ng kanilang editor in chief na si Ms. Joan Maglipon, congratulations!!! Mabuhay po kayo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …