HANDA na raw si Senator Bong Revilla na makulong dahil sa info na natanggap niya na umano’y minamadali ang paghahain ng kaso niyang plunder dahil isinasangkot siya sa pork-barrel scam.
Sobra na raw ang sakit na nararamdaman ng pamilya niya sa pinagdaraanan niya.
Nalulungkot siya sa nangyayari at hindi rin niya alam kung bahagi ito ng harassment sa kanya. Basta ipinauubaya na lang niya ito sa Diyos at lalaban siya sa ibinibintang sa kanya. Ready na raw siya kung ano ang plano sa kanya.
Ang nagpapasaya lang kay Senator Bong ay hindi siya iniiwan ng mga televiewer sa panonood ng Kap’s Amazing Stories.
ni ROLDAN CASTRO