ni ROLDAN CASTRO
TWENTY seven na si Jennylyn Mercado noong May 15 na hindi nakapag-celebrate ng birthday dahil may taping ng kanyang Rhodora X. Okay lang daw basta healthy at tuloy-tuloy ang pagpasok ng blessings.
Wala rin siyang balak na mag-celebrate ‘pag wala siyang taping. Itutulog na lang daw niya para makapagpahinga.
Kahit nali-link siya kina Benjamin Alves at Luis Alandy ay consistent si Jen sa pagsasabing hindi pa siya handa na magmahal ulit.
“Mas masarap naman, single, wala kang ibang iniiisip kumbaga family, sarili mo lang tapos career, ‘yun lang,” bulalas niya .
Hindi kaya si Luis Manzano pa rin ang nasa utak niya?
“Hindi naman. Okay na ako. Happy na naman ako sa nangyayari sa buhay ko.
“Kaya lang, hindi talaga, eh. Ayoko pa muna, eh. Ini-enjoy ko ‘yung single life kasi ang pangit naman niyon ‘yung pagkatapos ng isa mayroon agad na isa, ‘di ba? Parang i-enjoy ko muna ‘yung eto single muna ako, wala munang iniisip,” bulalas niya.
Okey na raw si Jen at walang problema kung makasama sa isang project sina Luis at Angel Locsin.
Basta ngayon ini-enjoy niya ang tatlong character niya sa naturang serye bilang Rhodora, Rowena, at Roxanne. Pinakamahirap daw sa kanya ang character bilang Rhodora dahil very emotional, mahina at laging takot.
Sa totoong buhay, siya raw si Rowena, batang-isip.
“Type ko siya, very light. Kasi parang ano eh, breaker,’ di ba? ‘Yung sobrang sama, sobrang buti, sa gitna siya ‘yung parang, masaya lang ako parati,”aniya.
Tsuk!