Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, pinuri ang acting ni Sarah sa Maybe This Time

ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI dapat palampasin ng mga tagahanga at ng mga film buff ang Maybe This Time dahil minamarkahan ng pelikulang ito ang unang tambalan nina Coco Martin at Sarah Geronimo na dalawa sa pinakamalaki at pinaka-bankable na mga bituin ng ABS-CBN ngayon.

Idinirehe ni Jerry Lopez Sineneng at isinulat nina Anton Santamaria at Melai Monge, angMaybe This Time ay isang love story na nakasentro kina Steph Asuncion (Sarah) at Tonio Bugayong (Coco). Magkaibang-magkaiba sina Steph at Tonio ngunit pareho nilang iniibig ang isa’t isa. Dala ng mga pangyayari na hindi nila kontrolado, napilitan ang dalawa na maghiwalay at magkanya-kanya. Subalit magkikita sila matapos ang maramaing taon para tapusin ang mga bagay na kanilang iniwan hinggil sa kanilang nakaraang relasyon at maaari nila itong maayos o hindi.

Samantala, sobra namang nagalingan si Coco sa acting ni Sarah dahil hindi raw niya inaasahan na ibang Sarah na ang makakasama niya. Rati na kasing nagkasama ang dalawa sa seryeng Idol.

“Iba si Sarah dito. Kung ire-rate ko siya sa 1 to 10, 10 para sa akin. Kasi kompleto, eh, pagdating sa romance, comedy.

“At sabi ko nga, ‘yung ipinakita niya na ibang atake ng acting, ‘yung level-up ng pag-arte niya, kasi nagkatrabaho na kami sa ‘Idol’.”

Bilang actor nga naman ay alam niya ang kakayahan din ng kapwa niya actor. ”Pero sabi ko nga, noong nakita ko siya rito, kahit ako na-surprise. Siguro, sa ganda rin ng mga eksena, lines na binibitawan namin. Kumbaga, kapag nanood ka, iba si Sarah ditto. Kumbaga, napanood ko na mga pelikula niya, pero ibang-iba si Sarah dito.”

Ibang level daw kasi ng acting ang mapapanood kay Sarah sa pelikulang ito. Kung nasanay tayo sa mga rom-com na ginagawa ni Sarah, dito’y makikita ang pagiging tunay niyang aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …