Wednesday , November 6 2024

Bamboo at Sarah, nahirapan at na-challenge sa mga bulilit na bibida sa The Voice Kids

ni Maricris Valdez Nicasio

SIMULA nang ipakita ang teaser ng mga bulilit na makikipagtunggali sa pinakabagong programa ngABS-CBN2 na The Voice Kids, isa ang inyong lingkod sa na-excite sa pagsisimula nito. Kaya naman sa Mayo 24, makikilala na ang mga bulilit sa likod ng mga higante at kakaibang boses na haharap sa hamon ng pagtupad ng kanilang mga pangarap.

Kapwa aminado sina coach Bamboo at Sarah Geronimo na mas nahirapan sila sa pagpili ng mga batang bubuo sa kani-kanilang team. Kailangan nila ng tig-18 artists. Bukod kasi sa magagaling ang mga bata, hindi rin ganoon kadali kung paano sasabihin sa mga batang na hindi sila pinalad sa blind audition. Pero so far, madali naman daw tinanggap ng mga batang hindi pinalad sa audition ang pagtanggap sa pagkatalo.

Ani Sarah, malaki ang koneksiyon niya sa mga batang sumalang sa The Voice Kids dahil sumali rin siya sa iba’t ibang amateur at TV singing contests noon.

“Nakikita ko ang sarili ko sa kanila. I believe ito ang magiging strength ko at makatutulong sa pagco-coach ko sa kanila kasi pinagdaanan ko na ang lahat ng ito,” giit ni Sarah.

Sinabi naman ni Bamboo na malaking challenge ang pagco-coach sa mga bata.

“Sa adults, alam mo na ang direksiyon kung sila as an artists. Sa kids, gray area pa. So I carefully listen to every child so I can give justice to their performance when I comment whether I turn around or not,” sambit ni Bamboo nang makausap namin ito sa presscon ng The Voice KidsGood Times KTV.

Bawat coach ay may 18 artists na mapapabilang sa kanilang team. This time, iba ang prosesong pagdaraanan ng mga bata. Pagsasabungin ng bawagt coach ang tatlong bata ng kanilang koponan sa pamamagitan ng pag-awit ng isang kanta. Isa lang ditto ang mapipili para makalusot sa Sing-Off na anim na artists sa iisang team ang muling magbabakbakan.

Mula sa Sing-Off, mamimili ang bawat coach ng dalawang artists sa kanilang team na muling uusad sa Semi-Finals. Mula sa anim na semi-finalists na ito pipiliin ang Top 4 na maglalaban-laban sa grand finals. Kaya naman sa huling yugto ng pamimili ng natatanging “The Voice”, posibleng may isang coach na magiging dalawa ang pambato sa grand finals.

Sa kabilang banda, bongga ang mapapanalunang premyo ng tatanghaling The Voice Kids dahil napag-alaman naming may house and lot na papremyo sa kanila mula sa Camella ng Vista Landmula sa mabuting kalooban ni Chairman Mr. Manny Villar. Marami pa kaming nakitang sponsor para sa magwawaging The Voice Kids, pero nakatutuwang bata pa lamang sila’y natutupad na ang kanilang pangarap.

Kaya abangan ang pagsisimula ng The Voice Kids sa Mayo 24, Sabado na kasama rin sa mga coach si Lea Salonga at host naman sina Luis Manzano at Alex Gonzaga.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Bianca Umali Ruru Madrid

Bianca pinabulaanan pagli-live-in nila ni Ruru

MATABILni John Fontanilla MARIING itinanggi ni Bianca Umali ang bali-balitang nagli-live in na sila ng kanyang boyfriend …

GMA 7

Eskandalo sa ilang GMA artists sunod-sunod 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PINAG-UUSAPAN sa ilang seryosong blogs ang umano’y pagiging mas relevant daw …

Ellen Adarna Derek Ramsay Elias Baby

Binyag sa baby girl nina Derek at Ellen paghahandaan na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus CONGRATULATIONS naman ang ating pagbati kina Ellen Adarna at papa Derek Ramsay dahil mayroon ng …

Annabelle Rama Ruffa Gutierrez Herbert Bautista Richard Gutierrez Barbie Imperial

Kumpirmado: Herbert at Barbie present sa birthday ni Annabelle

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WELL, it’s out in the open. Kung pagbabasehan natin ang naging …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *