ni Roldan Castro
MAY pinatatamaan kaya si Ai ai delas Alas sa sinabi niyang mas gusto niya ng bata kaysa mamili ng matanda pero sumisira ng pamilya?
“Eh, usually naman mas bata sa akin. Ayoko namang partner ‘yung matanda pero may asawa naman. Ayoko manira ng pamilya. Sa batang binata ako na walang sisiraang pamilya,” bulalas niya sa launching ng ini-endorse niyang Femilift machine ng Belo Medical Group.
Bagamat endorser si Ai Ai ng pussykip, ipinangalandakan ni Dra. Vicki Belo na hindi pa naman maluwang ang ‘flower’ ng Comedy Queen.
Sey naman ni Ai Ai, masikip daw ang ‘chever’ niya dahil matagal nang walang gumagalaw sa kanya.
“Kaya ko tinanggap na mag-endorse nito dahil masyado akong confident na alam kong masikip ako.Gusto ko lang mas pasikipan pa,” deklara niya.
Masikip na pala siya bakit kailangan pa niyang magpa-pussykip?
“’Pag dumating ‘yung time na ‘yung lalaking darating sa akin, na susunod na magiging boyfriend ko… for example, bata siya, ‘di ba? Para kumbaga, happy naman siya sa akin,”katwiran niya.
Sinabi pa ni Dra. Belo na parang pang-18 years old ang keps ngayon ni Ai Ai. Pero sagot ni Ai Ai mga 20 naman.
Nang gawin ang procedure ng Femilift kay Ai Ai ay inamin ng komedya na parang nag-o-orgasm ang pakiramdam niya. Wala raw pain.
“Parang may ipinasok, pero parang wala,” bulalas pa niya.
Sinabi rin ni Dra. Belo na hindi puwedeng makipag-sex ng tatlong araw pagkatapos sumailalim sa ‘pussykip’.
Tinanong si Ai Ai kung sino sa mga kaibigan niyang artista ang yayayain niyang magpa-pussykip. Irerekomenda raw niya ito sa mommies sa Dyesebel na sina Dawn Zulueta, Eula Valdez, at Zsa Zsa Padilla.
“Sasabihin ko magpa-pussykip sila dahil ako ang leader ng pussykip dolls,” tumatawa pa niyang pahayag.
Ready na ba siyang magkaroon ngayon ng seryosong relasyon lalo’t feeling virgin siya. Date-date muna raw ang gusto niya.
Sino kaya ang masuwerteng guy na makaka-devirginize kay Ai Ai?
“The Search is On,” natatawang sagot ng Comedy Queen.
Pero kung pamimiliin siya sa mga artistang gustong makatikim ng masikip na mundo Ai Ai. Ito’y sina Dennis Trillo, Gerald Anderson, at Enrique Gil.
Panalo!