ni ROLDAN CASTRO
NAG-IWAN na naman ng sigalot sa pamilya Barretto ang panayam ng Buzz ng Bayan kay Claudine Barretto.
Sinagot ni Marjorie ang sinabi ni Claudine na pinakagalit niya si Marjorie Barretto dahil pinag-away daw sila ni Gretchen.
“She killed me the day na tinanggal niya ‘yung karapatan ko to see my nieces na pinalaki ko. Nakalimutan niya ako, ‘yung ako talaga.I grieved for her. Pinatay ko na siya sa buhay ko. I would never ever do anything to hurt my nieces,” pahayag niya sa panayam ni Boy Abunda sa Buzz ng Bayan.
Nagbigay naman ng statement si Marjorie.
“Claudine, you never borrowed my children. You never even tried or called them. I never deprived you of seeing my children. Never. Please don’t claim to love my children when not too long ago, you tried to hard to destroy them.”
Kumalat noon na hinaharang umano ni Claudine ang pagbi-build-up para maging ganap na teleserye bida si Julia, pero nagkaroon din ng statement noon si Mommy Inday at pinabulaanan na bina-block ni Claudine ang career ni Julia.
Sey nga ni Claudine sa Buzz ng Bayan, alam niyang si Julia ang papalit sa trono niya.
Very vocal din si Julia na idol niya si Claudine pagdating sa pag-arte.
‘Yun na!