ni ROLDAN CASTRO
HUMAHATAW ang dalawang Viva Artists Agency (VAA) talents na sina Ashley Rivera and Chloe Dauden. Magkasunod sila na cover ng FHM Magazine para sa April and May issue.Cover girl ng April issue si Ashley. YouTube sensation siya at mas kilala sa tawag na Petra Mahalimuyak.
Pero iniwan niya ang pangalang Petra Mahalimuyak na nagpasikat sa kanya dahil desisyon ni Boss Vic Del Rosario na tunay niyang pangalan ang gamitin.
Right now, may sarili nang show si Ashley sa Viva TV, ang Dobol or Samting na hosts sila ni Fabio Ide.
Ibi-build up siya bilang bagong Rufa Mae Quinto na sexy pero komedyana. Agree naman siya na sundan ang yapak ni P-Chi (tawag kay Rufa Mae) kasi wala naman daw ibang kapares. Bukod dito, kikay naman daw siya at lukaret din.
Si Chloe naman ay may puhunan na talaga bilang celebrity dahil dati siyang beauty queen. Naging 2012 Miss World-Philippines Second Princess sa pangalang Martha Chloe McCulley. Bago ito ay naging suitcase girl siya sa Deal or No Deal.
Mapangahas ang pictorial ni Chloe sa FHM na cover girl siya ng May. Wala siyang takot na magpakita ng butt.
Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang lola na si Marlene Dauden dahil nasa abroad ito. Nasa early ‘70s na si Marlene. Ayon kay Chloe, tumaba na ang kanyang lola at muntik nang bumalik sa showbiz pero naudlot daw ang proyektong pagsasamahan nila.
Inamin ni Chloe na rati ay textmate sila ni Aljur Abrenica. Halos isang buwan na regular na ginagawa ni Aljur hanggang kusang tumigil. Naging busy daw siya noon sa activities ng Miss World-Philippines at hindi niya minsan nasasagot ang text. Type naman niya ang magandang katawan ni Aljur pero hindi niya bet na gawing boyfriend ang mas bata sa kanya.
Tsuk!