Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, original ang lahat ng parte ng katawan — Dra. Vicky

ni  Maricris Valdez Nicasio

MASAYANG-MASAYA si Dra. Vicky Belo noong Huwebes nang ipakilala nila ng kanyang anak na si Cristalle Henares sa entertainment press ang pinakabago nilang endorser para sa Belo’s Summer Campaign, ang Laser Hair Removal at Venus Freeze, si Marian Rivera.

Sa ganda ni Marian, masasabing wala nang dapat ayusin pa sa kanya. At ito rin ang nasabi ni Dra. Vicky, na dapat lang ay panatilihin lang iyon na maganda.

Iginiit din ni Dra. Vicky na walang ipinaretoke sa kagandahang nakikita ng publiko ngayon sa aktres. Ineksamin daw kasi niya ang buong katawan ni Marian at lahat ng nakita niya’y original.

Kaya naman nang matanong si Marian kung anong bahagi ng katawan niya ang hindi siya kuntento, ang sagot nito’y, “Sa araw-araw na paggising ko ay thankful ako sa nakikita ko sa salamin. Confidence!”

Bagamat walang ipinaretoke, hindi naman isinasara ni Marian ang posibilidad na mapapayag siya sa cosmetic surgery kapag nagka-edad na siya. “Very open ako diyan. Naniniwala kasi ako na ang babae, kailangan inaalagaan ang sarili,” ani Marian.

Pero magpaparetoke lang daw siya hindi dahil may kailangang tanggaling o ayusin, kundi kung gaano kamahal ang sarili dahil kailangang presentable lagi lalo na sa minamahal.

Samantala, Paborito namang body procedure ni Marian ang Laser Hair removal na ginagawa niya para sa kanyang underarms, legs, at bikini area na MUST ngayong summer to keep her looking fabulous and gorgeous kapag naka-bikini na siya. Ang Venus Freeze naman ay ginagawa upang maging firm at toned ang mga bahagi ng katawan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …