Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, aminadong kinabahan sa ‘first time’ nila ni Coco

ni  Maricris Valdez Nicasio

FIRST time gumawa ng lovescene si Julia Montes at nangyari ito sa Ikaw Lamang na napanood noong Miyerkoles ng gabi. Aminado si Julia na malaking hamon para sa kanya na gawin ang love scene with  Teleserye King na si Coco Martin.

“Bago namin ginawa ang eksenang ‘yun, kinabahan talaga ako. Hindi pa kasi ako nakagagawa ng love scene. Pero dahil gentleman at maalaga si Coco, at sa tulong ng mga direktor namin, nagawa ng maayos ‘yung eksena,” ani Julia na gumaganap sa Ikaw Lamang bilang si Mona, ang dalagang matagal nang umiibig sa kababatang si Samuel (Coco).

Kasabay naman ng first lovescene ni Julia with Coco, ay ang pagsasamantala ni Franco (Jake Cuenca) sa kanyang asawang si Isabelle (Kim Chiu) dahil lasing na lasing ito.

At dahil sa nangyari kina Mona at Samuel, unti-unti namang nagbago ang pagtitinginan ng matalik na magkaibigan. Ani Julia, tiyak na mas magiging kaabang-abang para sa TV viewers ang mga susunod na tagpo sa kanilang top-rating primetime teleserye.

“Dapat tutukan ng viewers kung kaya bang mapalitan ni Mona si Isabelle sa puso ni Samuel,” ani Julia.

Pero kagabi, tila ‘nabuo’ ang isang gabing pagniniig nina Mona at Samuel. Ano kaya ang gagawin ng dalawang magkaibigan? Naku, lalong umiinit ang mga tagpo sa Ikaw Lamang. Nakakabitin ang istorya na sana’y tuloy-tuloy hanggang weekend.

Sa kabilang banda, muling pinadapa ng Ikaw Lamang ang show ni Marian Rivera sa GMA7, ang Carmela. Sa datos ng Kantar Media base sa national ratings noong Mayo 8, Huwebes, nakakuha ng 30.3 percent ang Ikaw Lamang samantalang 15.0 percent lamang ang Carmela.

Natalo rin sa ratings ng Mirabella ang katapat nitong Love from the Star. Mayroong 19.8 percent ang teleserye ni Julia Barretto samantalang mayroong lamang 12.0 percent ang katapat nito.

Nanguna rin ang Dyesebel na mayroong 31.9 percent ratings kompara sa Kambal Sirena na mayroon lamang 15.7 percent. Patunay na mas tinututukan ng publiko ang mga teleserye ng ABSCBN kompara sa GMA7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …