Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot sinakal ng tuwalya sa hotel

HINALANG pinatay sa sakal ang natagpuang bangkay ng babae sa loob ng  Selenna hotel sa Aurora Blvd., Cubao, Quezon City, iniulat kamakalawa ng umaga.

Patay na ang hindi pa nakikilalang biktima nang natagpuang nakapulupot sa kanyang leeg ang isang tuwalya.

Sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) natagpuan ang bangkay sa Room 331 Selenna hotel nasa kanto ng Aurora Blvd., at Stanford, Brgy. Socorro, dakong 6:30 a.m.

Ayon sa ilang staff ng hotel, bago natagpuan ang bangkay ng biktima, nakarinig muna sila ng isang malakas na sigawan sa kuwarto ng biktima.

Agad tinungo ng mga staff ng hotel ang kuwarto na pinanggalingan ng sigaw at nakita nila ang wala nang buhay na biktima.

Nakatakas ang kasamang lalaki ng biktima nang magpumiglas habang pinipigilan ng mga staff ng naturang hotel na dumaan sa second floor ng fire exit ng hotel.

Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at ng suspek.

(a. danguilan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …