Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Performance ng mga artista sa Ikaw Lamang, pinupuri, pinag-uusapan, nagti-trending!

ni  Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang pumupuri sa galing ng mga bida at nagsisiganap sa Ikaw Lamang. Maramirin ang sumusubaybay dito dahil sa ganda ng takbo ng istorya nito kaya hindi lamang number one teleserye ngayon ang Ikaw Lamang, trending topic din ito gabi-gabi dahil sa galing nga ng performance ng casts.

Sa totoo lang, this is one teleserye na bawat galaw ng karakter ay pinag-uusapan. Lahat ng mga karakter ay nagsa-shine at pinupuri. Kaya hindi nakapagtataka kung maging sapalengke, grocery, school, at mga opisina ay pinag-uusapan ang mga karakter ‘tulad nina Samuel, Isabelle, Franco, at Mona. Pati ang mga senior cast nito ay nakatitikim din ng papuri they have never experience before.

Kasi naman, tunay namang napakahusay nina John Estrada, Angel Aquino, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Cheri Gil, at Tirso Cruz III.

Consistent sa trending topic si Mona (Julia Montes) at si Franco (Jake Cuenca). Si Jake nga ay pinupuri ng senior co-stars niya sa mahusay niyang pagganap.

Ikaw Lamang is one teleserye in primetime na consistent ang story, performance ng cast at ganda ng buong production. Kung cast na ng Ikaw Lamang, hindi puwedeng petiks dahil tiyak na lalamunin ka ng ibang cast sa pansitan.

Sa husay ng lahat ng cast ng Ikaw Lamang, tiyak na sila-sila rin ang maglalaban-laban sa acting awards for TV sa susunod na awards season.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …