Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alwyn, sasabak na sa professional boxing, haharap na sa mga totoong boksingero

 

ni  Maricris Valdez Nicasio

ABA, talagang desidido na si Alwyn Uytingco na maging isang magaling na boksingero. Paano naman, sasabak na siya sa ring ng professional boxing kaya hindi dapat palagpasin ang episode na ito ng Beki Boxer ngayong Biyernes (May 2).

Matapos kasing magtagumpay si Coach Dalmacio (John Regala) sa kanyang masasamang plano sa pamilya ni Rocky Ponciano (Alwyn), mapipilitan si Rocky na agad sumabak sa mas palaban at mas komplikadong mundo ng professional boxing. At kahit pa mas nalalapit si Rocky sa kanyang misyon na maging isang world-class champion boxer, mas titindi naman ang mga pagsubok na kakaharapin sa panibagong yugto ng kanyang boxing career.

Kilala bilang ‘The Tsunami’ sa mundo ng Beki Boxer dahil na rin sa kanyang signature tsunami punch, makakaharap ni Rocky ang real-life boxing legend at WBC Silver World Champion Denver ”The Excitement” Cuello.

Si Cuello, 27, ay may record na 33 wins na 21 ang knockouts. Gaganap ang Ilonggo boxing champ bilang Marvin ‘The Hammerhead’ Ortega. Isa lamang si Cuello sa listahan ng mga totoong boksingerong makakaharap ni Alwyn sa ring.

Kaya’t huwag palampasin ang maaksiyong bakbakan sa Beki Boxer ngayong Biyernes, 7:00 p.m. bago ang Confessions Of A Torpe sa TV5!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …