Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tom, boyfriend material para kay Carla!

ni  Maricris Valdez Nicasio

PASOK ang kaguwapuhan at kabaitan ni Tom Rodriguez bilang boyfriend ni Carla Abellana. Tulad ni Carla, mapagmahal din sa magulang at kapatid si Tom kahit na nga malayo siya sa kanila. May manners din at marespeto sa kapwa tao.

May tsika nga na noong ginagawa pa nina Carla at Tom ang My Husbands Lover, marami ang nakakapansin sa closesness ng dalawa.  Kapag break nga raw nila sa taping, ang pag-sketch sa magandang mukha ni Carla ang madalas na ginagawa ni Tom.

Napag-alaman naming dahil sa chemistry ng dalawa kaya muli silang pinagtambal sa big screen sa pamamagitan ng So It’s You na idinirehe ni Jun Lana at handog ng Regal Fims.

Sa totoo lang, hindi na kailangang maghanap pa ni Carla ng bagong Mr. Right bilang kapalit ng boyfriend niya rati na si Geoff Eigenmann dahil nariyan naman si Tom na very supportive sa lahat ng achievement niya bilang aktres.

Kahit nga si direk Jun ay nakikitang bagay ang dalawa. Kaya nakatitiyak ang director na marami ang kikiligin sa pagsasama ng dalawa. ”Maraming magagandang eksena ang nakaka-in-love. Bigay na bigay talaga sina Carla at Tom sa mga eksenang magpapatibok ng puso ng tao. Puwedeng maging Mr. Right si Tom kay Carla sakaling may mabuo sa kanilang pagtitinginan,” sambit ni Direk Jun.

Sa May 7 na mapapanood ang So It’s You na tamang-tama sa mga taong in-love.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …