Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikaw Lamang, #1 teleserye sa primetime!

ni  Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang nagsasabing gandang-ganda sila sa takbo ng istorya ng Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Coco Martin, Kim Chiu, Jake Cuenca, at Julia Montes. Kaya naman talagang inaabangan nila ito gabi-gabi sa ABS-CBN. Kaya hindi na kami nagtataka kung ang Ikaw Lamang ang nananatiling number one teleserye sa primetime!

Ibang klase naman talaga kasi ang takbo ng istorya nito. Talagang hindi mo bibitiwan sa pagsubaybay. Bawat gabi ay tututok ka talaga dahil kapana-panabik ang bawat tagpo. Nakabibitin pa nga ito sa totoo lang.

Kaya naman hindi na kami nagtataka kung laging nangunguna sa ratings ang Ikaw Lamang. Base nga sa inilabas na data ng Kantar Media consistent ito sa pagiging number one sa loob ng isang linggo. Tulad na lamang sa datos na nakuha namin noong Abril 25, ang Ikaw Lamang  ay mayroong ratings na 27.4%  samantalang ang katapat nitong show sa GMA 7 ay mayroon lamang 15.4%  ratings.

Worth naman kasi ang panonood ng Ikaw Lamang. Kami man ay walang masabi sa ganda ng flow ng story nito. Mabilis pa ang takbo ng kuwento. Bawat gabi ay may nagaganap na pasabog. At aabangan mo talaga ang magagaganap sa kuwento ng mga karakter.

At kung aktingan naman ang pag-uusapan, bow kami sa lahat as in lahat ng cast. Mula kina Coco, Kim, Jake, at Julia, wala kaming masabi sa husay nila. Idagdag pa riyan ang senior cast na sinaCherry Pie Picache, Tirso Cruz III, Cherie Gil, John Estrada, Ronaldo Valdez, at Angel Aquino, lahat sila ay may kanya-kanyang winning moments.

Tunay na dapat lamang tawaging master serye ang Ikaw Lamang dahil  napakagandang teleserye nito sa primetime television ngayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …