Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, sa Resorts World naman daw nagka-casino

 ni  Maricris Valdez Nicasio

NOON pa ma’y nababalita nang madalas maglaro ng sugal o mag-casino si Willie Revillame sa Solaire Resort and Casino. Mayroon daw private room ang TV host sa nasabing casino.

Pero, recently, narinig naman nating lumipat na ng laruan si Willie. Mula sa Solaire ay sa Resorts World naman daw ito naglalagi. Sinasabing marami ang nakakakita sa TV host na sa 3rd floor ng Resorts World sa isang VIP room umano iyon naglalaro.

Ayon pa sa nagtsika ng balitang ito, mahina raw ang P50-M na patalo umano ni Willie gabi-gabi. Totoo kaya ito?

Sana naman ay hindi, dahil baka maubos ang ipinundar ni Willie kung lagi lang natatalo sa sugal. Sayang naman ang sobrang pagsisipag niya para marating ang kasalukuyang kinalalagyan.

Hindi naman masama ang magliwaliw, ‘wag lang ‘yung sobra, ‘ika nga. Minsan nang itinanggi ni Willie ang balitang naghihirap na siya dahil sa pagsusugal. May itinatayo pa nga siyang hotel sa Tagaytay at nasabi nitong may mga kausap siyang gustong sumosyo sa kanya para itayo ang Marriot Hotel katabi ng Wil Tower and Residences Mall sa Quezon City.

Bukas ang aming pahina para sa anumang masasabi ni Willie ukol sa balitang ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …