ni Maricris Valdez Nicasio
NAIS n’yo bang matutong sumayaw, i-improve ang inyong personality, maging mahusay na modelo o matuto ng tamang pagho-host? Puwes, huwag palampasin ang ang Regine Tolentino’s 10th Ultimate Summer Workshops (April-May) na ginagawa ng Dance and Fashion Diva taon-taon. Ginaganap ito sa kanyang RTStudios sa Unit 6&7 Valencia Hills Condo Commerical Complex, Valencia St. cor. N. Domingo St., QC (behind Broadway Centrum, near Metrobank and Metropole)
Kabilang sa mga programang matututuhan ay ang Hip Hop, Bellydancing, Musical Theater, Voice Power, Latin Ballroom , Zumba, Personality Power, Modeling, at Hosting.
“Every summer ‘yang workshop namin, 10th year na namin ito and we have a grand dance concert sa lahat ng mga estudyante namin,” ani Regine. “Sa mga interested, please call 723-8289, 9660422, 726-6669, 966-2832. You can follow us at Instagram & Twitter: @RTStudiosPH & @RBoutiquePH anytime. Iyong inquiries nasasagot agad ng mga staff namin iyan,” saad pa ni Regine.
Sinabi pa ni ni Regine na puwede rin mag-register on-line, “Type this on your address bar to register on-line: bit.ly/1ePh4Rg or visit us at @reginesboutiqueph and @rtstudiosph to sign up on site.”
Isa sa makakasama ni Regine sa workshop na ito ang dating Viva Hotbabe na si Andrea del Rosario na bukod sa pagiging health buff tulad ni Regine, ay itinuturing din bilang Fire and Bellydance Queen.