Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Live weigh-in ng Final Four sa Pinoy Biggest Loser, ngayong Sabado na!

ni  Maricris Valdez Nicasio

EXCITING tiyak ang magaganap ngayong Sabado sa Biggest Loser dahil ngayon maghaharap-harap ang Final Four na sina Bryan, Francis, Kayen, at Osie ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles sa isang bigating pagtatapos sa inaabangang final weigh-in nito.

Ayon sa ABS-CBN2, makatatanggap ng home appliance showcase, business franchise package, P100,000 worth of sporting good at accessories, lifetime gym membership, at P1-M ang bigating magbabawas ng pinakamalaking porsiyento ng kanilang paunang timbang at tatanghaling Pinoy Biggest Loser. Kaya naman sa paglabas nila ng Biggest Loser Doubles camp, dala-dala ng Final Four ang lahat ng kanilang natutuhan para patuloy na magpapayat.

Sa mga hindi nakasusubaybay sa Biggest Loser, unang pumasok sa Final Four si Bryan ng Team Magkapatid, na sa laki ng ipinayat ay pinakana-eenjoy ang mga maliliit na bagay na hindi niya nagagawa noong siya’y mabigat pa.

“Rati hindi ako makapag-de kwatro. Hirap na hirap akong tumalon dati. Ngayon, feeling ko lumilipad ako ‘pag tumatalon ako,” aniya at sinabing anuman ang makuha niyang premyo sa finale ay gagamitin niya para magtayo ng negosyo upang makatulong sa kanilang pamilya.

Para naman sa kinabukasan ng kanyang anak ilalaan ni Kayen ang makukuhang cash prize. Ngunit aniya, hindi raw naging madali ang ipagpatuloy ang pagwo-work out sa labas ng camp lalo na’t kinailangan niyang magtrabaho at asukasuhin ang anak.

“Lahat na lang ng itinuro sa amin sa camp para ma-sustain ang weight loss at para mas mag-lose pa, ipinagpatuloy ko lang. Pero nagsimula kami sa wala, at ngayon we got our health back. Super winner na kami roon,” sabi ng working mom.

Malaki rin daw ang papel ng asawa niyang si Carl, na nabigong makapasok sa Final Four, sa kanyang journey dahil ito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob kapag siya’y pinanghihinaan.

Samantala, itinuturing na ‘dark horse’ ng kompetisyon ang Bagong Bigateam na sina Francis at Mommy Osie. Ayon sa dalawa, hindi nila kailanman inakalang makaaabot sila ng finale lalo pa’t hindi sila magkakilala noong sila’y pinagpares at hindi rin magkasundo sa unang bahagi ng kompetisyon.

“’Di namin inakala na lalagpas kami sa first elimination. Noong first phase halos hindi kami nag-uusap. Sa rami ng pinag-awayan namin, ‘yun ang nagpatatag sa amin. Dumating ang time na naging common na ang decision namin, sa tingin pa lang alam na namin ang iniisip ng isa’t isa,” ani Francis.

Dahil buo silang makararating sa finale, dodoble ang premyong mapapanalunan nila anumang place ang kanilang makuha. Ngunit para kay Mommy Osie, hindi na mahalaga kung ano man ang maiuuwi nila dahil nabigyan sila ng Biggest Loser Doubles ng panibagong buhay na hindi raw matutumbasan ng kahit anong halaga.

“Naibalik ko ‘yung pagkatao na matagal na nawala sa akin. Hindi lang ‘yung sinasabi nilang confidence. Para akong na-reborn nang paunti-unti. ‘Yung buhay na nawala sa akin, naibabalik sa akin,” pahayag niya.

Kaya tutok ngayong Sabado para malaman natin kung sino ang tatanghaling Pinoy Biggest Loser ng season.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …