Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea at Raikko, magbibida sa Wansapanataym special

ni  Maricris Valdez Nicasio

TIYAK na matutuwa ang mga tumatangkilik sa Kapamilya child stars na sina Andrea Brillantes at Raikko Mateo dahil nagsama ang dalawa para turuan ng mahahalagang aral ang buong pamilya sa pagsisimula ng  Wansapanataym special ngayong Sabado na pinamagatang My Guardian Angel.

Mula sa natatanging pagganap ni Andrea sa Annaliza at ni Raikko sa  Honesto, gagampanan naman ng dalawa sa pinakasikat ng child stars ng kanilang henerasyon ang mga karakter ng mabait na batang si Ylia (Andrea) at anghel na si Kiko (Raikko).

Sa kagustuhan niyang makuha ang atensiyon ng mga magulang, handang gawin ni Ylia ang lahat para maramdaman ang pagmamahal ng mga ito. Lingid sa kanyang kaalaman ay binabantayan at tinutulungan siya ng guardian angel niyang si Kiko upang makuha ang kanyang mga kagustuhan.

Paano magbabago ang buhay ni Ylia kapag nakilala at nalaman niya ang tunay na katauhan ni Kiko? Mukukuha na ba niya ang inaasam na atensiyon at pagmamahal mula sa kanyang nanay at tatay sa tulong nito?

Makakasama nina Andrea at Raikko sa My Guardian Angel sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, at Vangie Martell. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at idinirehe ni Jon ‘Sponky’ Villarin.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng month-long special nina Andrea at Raikko sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gandingan Awards, Wansapanataym, pagkatapos ng Bet On Your Baby sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …