Friday , November 15 2024

MPD Balut station binato ng granada (Kotse ng station commander, motor nasunog)

042514_FRONT

NATUPOK ang kotse ng station commander  habang nadamay ang nakaparadang motorsiklo nang hagisan ng granada ang harapan ng himpilan ng pulisya kahapon ng hapon sa lungsod ng Maynila.

Bagama’t hindi napinsala ang Manila Police District – Police Station 1, natupok ng apoy ang Toyota Vios (ZFN-447)   ni Supt. Julius Anonuevo, commander ng nasabing himpilan, sa insidenteng naganap dakong 4:35 p.m. at nadamay ang isang motorsiklo.

Base sa ulat ni PO3 Angelo Punzalan, desk officer, bigla na lamang silang nagulantang sa malakas na pagsabog at biglang pagliyab ang dalawang sasakyan.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at dakong 4:09 p.m. idineklarang kontrolado na ang sunog.

Hinala ng pulisya, ang insidente ay may kaugnayan sa napatay na holdaper ilang linggo na ang nakararaan sa isinagawang police operation sa pangunguna ni Insp. Edward Samonte, Block commander ng Smokey Mountain Police Community Precinct na sakop ng naturang presinto.

Patuloy na nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

(ni LEONARD BASILIO May kasamang ulat nina CAMILLE BOLOS, NIKKI-ANN CABAL-QUINTO, ANTONIO MAAGHOP, JR., BHENHOR TECSON, at LARA LIZA SINGSON)

About hataw tabloid

Check Also

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *