Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, nadale ang ilong nang maaksidente

ni  Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa rin nagpapigil si Kim Chiu na mag-taping ng kanyang master seryeng Ikaw Lamang noong Miyerkoles matapos siyang maaksidente.

Ayon sa ABS-CBN entertainment news website, Push, natutulog nang mga oras na iyon si Kim patungo sa taping ng Ikaw Lamang nang bilang magpreno ang driver ng kanyang sasakyan kaya naman bigla siyang tumilapon at tumama ang kanyang mukha sa front seat.

Ani Kim, biglang tumulo ang dugo mula sa kanyang ilong at nakarinig siya ng pag-crack mula roon. Bagamat ayaw tumigil ang pagdugo ng ilong, dumiretso pa rin ang aktres sa taping. Pero agad naman itong ipinadala sa ospital.

Agad namang nagamot ang ilong ni Kim kaya naman agad din iyong bumalik sa taping ng Ikaw Lamang.

Nakakuha kami ng litrato ni Kim matapos ang aksidente mula sa abscbnnews.com at tila hindi naman ininda masyado ni Kim ang aksidenteng nangyari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …