Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Architect BF ni Zsa Zsa, ex ni Pops?

ni  Maricris Valdez Nicasio

KAMAKAILAN ay ipinakita na ni Zsa Zsa Padilla sa madlang pipol ang bago niyang boyfriend sa katauhan ni architect Conrad Onglao. Isinama niya si Onglao sa katatapos na Arise concert ni Gary Valenciano sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon sa balita, si Sharon Cuneta ang dahilan ng pagkakakilala ng dalawa. Ang aktres daw kasi ang nagbigay ng mga cell number ng mga ito sa isa’t isa at doon na nagsimula ang blind date nina Zsa Zsa at Conrad.

Pero may mga balita ring lumalabas na umano’y may pagka-playboy si Conrad at marami nang nai-date na beauty queens. Totoo kaya ito?

Samantala, may nasagap naman din tayong balita mula sa mapagkakatiwalaang source na rati palang boyfriend ng singer/aktres na si Pops Fernandez itong si architect Conrad. Hindi lang nasabi ng aming source kung nagtagal ba ang relasyon ng dalawa.

Bukod kay Pops, naging karelasyon din daw ito ng dating asawa ni basketball player Francis Arnaiz at dating fashion model na si Susan Reyes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …