ni Maricris Valdez Nicasio
KATUWA ang nangyaring Dance Concert sa Trinoma Activity Center kamakailan na isinagawa ng Neurobion mula sa Merck Inc. Philippines. Napagsama-sama kasi nila ang mga dating sikat na dance group tulad ng Universal Universal Motion Dancers (UMD), Manoeuvres, at Sexbomb Dancers.
Sa pamamagitan ng throwback dance concert nagkaroon ng free check-up ang netizens para malaman nila kung kulang sila sa bitamina b1, b2, at b3 dahil nagkakaroon sila ng body pains, tingling sensations, at numbness, Neuropathy Awareness ‘ika nga.
Bukod sa dance concert at libreng check-up nagkaroon din ng games at maraming freebies ang ipinamahagi. ‘Feel ko ang Buhay’ ang tagline ng Neurobion mula sa Merck Inc. Philippines, ang gamot sa pangangawit, pamamanhid at tusok-tusok ng mga taong kulang sa bitamina.
Dumalo sa Neuropathy Awareness ang orihinal na miyembro ng grupong UMD na sina Wowie de Guzman at James Salas, sa Sexbomb naman ay sina Jaja Barro, Donna Veligiano, at Jopay Paguia, at sa Manoeuvers ay si Joshua Zamora.