Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, iginiit na ‘kuya’ ang turing kay Sam

 ni  Roldan Castro

DAHIL sa pag-iwas ni Jasmine Smith Curtis na magbigay ng pahayag sa confrontation umano ng ate niyang si Anne Curtis at ng rumored boyfriend niyang si Sam Concepcion, napapaisip tuloy ang madlang people na confirm ito. Kahit kasi si Sam ay nakabibingi ang pananahimik.

Kung hindi totoo ang nangyari ba’t hindi maipagtanggol ni Sam si Anne lalo’t ate ito ng girlfriend niya? Bakit hindi makasagot ng diretso si Jasmine? Mabilis lang naman ang pagsasabi ng NO.

Ang lumalabas ngayong anggulo ay sinita umano ni Anne si Sam dahil nail-link kuno si Sam sa co-star niya sa Mirabella na si Julia Barretto. May lumalabas pang isyu na pinagseselosan umano ni Jasmine si Julia.

True ba ‘yun?

Umiwas na naman si Jasmine at hindi raw niya isyu ‘yan para magsalita. Hindi raw niya alam kung saan nanggagaling ang balitang ‘yan at kung bakit nakaladkad ang pangalan ni Julia. Kung ano raw ang pinaniniwalaan ng tao, bahala na sila.

Anyway, sa huling panayam kay Julia, pinabulaanan niya na may namamagitan sa kanila ni Sam. Kuya lang daw ang turing niya rito.

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …