ni Maricris Valdez Nicasio
CONFIRMED nang Regal Baby ang hunk-actor-host na si Derek Ramsay. Pumirma siya ng three-picture contract kahapon sa Imperal Palace Hotel kasama ang manager niyang si Jojie Dingcong at ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde.
Matagal nang nababalita ang paggawa ng movies ni Derek sa Regal Entertainment at matapos ang negosasyon, heto at wala nang urungan ang paglabas niya sa film outfit ni Mother Lily.
Isa sa naka-line up na project kay Derek ay ang pakikipagpareha sa Primetime Queen na si Marian Rivera na first time niyang makakatrabaho.
“Honored ako dahil I am not part of Regal Entertainment. Magaganda ‘yung projects na in-offer sa akin kaya naman I am very excited na may movie ako with Marian,” pahayag ni Derek.
Para naman sa mag-inang Lily at Roselle, isang mainit na welcome ang iginawad nila sa isa rin sa gusto nilang aktor na maging bahagi ng Regal Entertainment.