Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong, balik sa pagpapatawa via Da Possessed

ni  Maricris Valdez Nicasio

“Gusto kong maging masaya palagi at gusto kong maging masaya rin ang mga tao,” ito ang pahayag ni Vhong Navarro ukol sa pinakabagong handog na pelikula ng Star Cinema na mapapanood na sa Abril 19, ang Da Possessed.

Kaya naman kahit may pinagdaanang bagyo sa buhay si Vhong, nagbabalik ang komedyante sa pamamagitan ng Da Possessed para muling magpasaya ng tao.

“Sobra po akong nagpapasalamat sa walang sawang suporta na nakukuha ko mula sa ABS-CBN, Star Cinema, at sa aking mga tagahangga. Tiniyak po namin na talagang magugustuhan ng lahat ang ‘Da Possessed’. Dapat po sama-sama tayong mag-enjoy at tumawa,” giit pa ni Vhong.

Isa si Vhong sa pinaka-accomplished at pinaka-talentadong komedyante ng kanyang henerasyon. ‘Di matatawaran ang kontribusyon niya sa larangan ng komedya na binubuo ng kanyang kamangha-manghang mga pelikula na pawang walang tigil ang tagumpay sa takilya.

Kaya naman maaasahan nating makikita ang mga ito sa pelikulang isinulat nina Athena Aringo-Tengco, Ays De Guzman, Kren Yap, at Antoinette Jadaone, ang Da Possessed, na joint project ng Star Cinema at Regal Films.

Umiikot ang pelikula sa kakaibang istorya ng ordinaryong si Ramon na nagbalak pumasok sa larangan ng landscape art. Ma-iinlab si Ramon sa kanyang seksing boss ngunit magsisimula ang mga problema nang bigla siyang sapian ng mga espiritu mula sa sa ibang mundo na siyang umpisa ng mga nakababaliw at nakalolokang mga pangyayari.

Makakasama ni Vhong sa Da Possessed sina Solenn Heussaff, Smokey Manaloto, Empoy, John Lapus, Beverly Salviejo, Lito Pimentel, Joy Viado, Aaliyah Belmoro, Matet De Leon, at Joey Marquez. Ito ay mula sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …