Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ikaw Lamang soundtrack, sold out agad!

ni  Maricris Valdez Nicasio

IBANG klase talaga ang hatak ng master teleserye na Ikaw Lamang nina Coco Martin, Jake Cuenca, Julia Montes, at Kim Chiu, dahil pati ang album nito ay sobrang pumatok sa publiko.

Sold out agad ang lahat ng kopya ng official soundtrack  ng top-rating series na Ikaw Lamang matapos dumugin ng libo-libong fans ang ginanap na grand album launch nito kamakailan sa Trinoma Activity Center. Umapaw ang saya at musika sa mga sopresang inihatid sa fans ng Ikaw Lamang stars at Kapamilya singers na sina Erik Santos, Angeline Quinto, Jovit Baldivino, at Marion Aunor.

Samantala, tiyak na lalong mapapaibig ang TV viewers sa Ikaw Lamang ngayong umamin na sina Samuel (Coco) at Isabelle (Kim) sa nararamdaman nila para sa isa’t isa. Maipaglalaban ba nina Samuel at Isabelle ang kanilang espesyal na relasyon sa kanilang mga pamilya? Ano ang kanilang gagawin sa oras na paghiwalayin silang dalawa at pilit ipakasal si Isabelle sa kababata niyang si Franco (Jake)? Huwag palampasin ang master teleseryeng Ikaw Lamang gabi-gabi, pagkatapos ng Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …